Reckless na driver, nasakote
@Balitang Probinsiya | February 18, 2022
AKLAN--Isang reckless na driver ang inaresto ng pulisya kamakalawa sa Bgy. Baybay, Tangalan.
Ang suspek ay kinilala ng pulisya na si Jifrel Talamisan, 25-anyos at nakatira sa nabanggit na bayan.
Nabatid na dinakip ng pulisya ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong kasong reckless imprudence resulting to homicide sa naturang lalawigan,
Napag-alamang nakita ng mga nagpapatrulyang pulisya si Talamisan sa nasabing barangay kaya agad itong dinakip.
Nakapiit na ang suspek sa detention cell ng himpilan ng pulisya.



Comments