top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Rebel returnee tinodas ng armado

BULGAR
Sep 27, 2022
1 min read

@Balitang Probinsiya | September 27, 2022


CAMARINES SUR—Isang rebel returnee ang namatay nang barilin ng hindi kilalang armadong lalaki kamakalawa sa Bgy. Lamon, Goa.


Kinilala ng pulisya ang biktimang nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan na si Reynante Clave, 45-anyos at nakatira sa nabanggit na barangay.


Ayon sa ulat, habang naglalakad si Clave ay biglang sumulpot ang suspek at agad pinagbabaril ang biktima.


Matapos tiyaking patay na ang biktima ay saka mabilis na tumakas ang suspek.


Iniimbestigahan na ng pulisya ang motibo ng salarin sa pamamaslang sa biktima.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page