Rebel returnee tinodas
@Balitang Probinsiya | May 3, 2022
SORSOGON – Isang rebel returnee ang namatay nang barilin ng tatlong hindi kilalang armadong lalaki kamakalawa sa Bgy. San Pascual, Casuguran sa lalawigang ito.
Kinilala ng pulisya ang biktimang nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan na si Nestor Sarmiento, 28-anyos, nakatira sa naturang barangay.
Ayon sa ulat, nakaupo si Sarmiento sa likod ng kanilang bahay nang sumulpot ang tatlong salarin at agad pinagbabaril ang biktima.
Matapos tiyaking patay na ang biktima ay mabilis na tumakas ang mga suspek.
Patuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya sa naganap na krimen.



Comments