Rebel returnee nilikida
- BULGAR
- May 25, 2022
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | May 25, 2022
SORSOGON – Isang rebel returnee ang namatay nang pagbabarilin ng mga hindi kilalang armadong salarin kamakalawa sa Bgy. Bulawan, Irosin sa lalawigang ito.
Kinilala ng pulisya ang biktimang nagtamo ng mga tama ng bala sa ulo at katawan na si Jose Gamis alyas Ka Onyo, nakatira sa nasabing barangay.
Ayon sa ulat, habang nasa loob ng kanilang bahay si Gamis ay biglang pumasok ang mga suspek at agad pinagbabaril hanggang mapatay ang biktima.
Sa imbestigasyon, ay may hinala ang mga awtoridad na mga dating kasamahan sa New People's Army (NPA) ang pumatay sa biktima.
Patuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya sa naganap na krimen.



Comments