Rapist, timbog sa hideout
@Balitang Probinsiya | March 4, 2022
CAMARINES NORTE–Isang wanted na rapist ang nadakip ng pulisya kamakalawa sa kanyang hideout sa Alawihao, Daet.
Hindi muna pinangalanan ng pulisya ang suspek habang isinasailalim ito sa imbestigasyon.
Nabatid na dinakip ng pulisya ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong kasong rape sa lalawigan.
Ayon sa ulat, nakita ng nagpapatrulyang pulisya ang suspek na naglalakad sa nasabing lugar kaya agad itong dinakio.
Nakapiit na ang suspek sa detention cell ng himpilan ng pulisya.



Comments