top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Rapist ng Capiz arestado sa Aklan

BULGAR
Sep 29, 2022
1 min read

@Balitang Probinsiya | September 29, 2022


AKLAN—Isang most wanted na rapist sa Capiz ang naaresto ng pulisya kamakalawa sa kanyang hideout sa bayan ng Lezo.


Kinilala ng pulisya ang suspek na si Noel Paitoni, at pansamantalang nakatira sa nabanggit na bayan.


Napag-alamang dinakip ng pulisya ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong kasong rape sa Dao, Capiz.


Ayon sa ulat, may nagbigay-impormasyon sa pinagtataguan ng rapist kaya agad rumesponde ang pulisya at dinakip ang suspek sa nasabing lugar.


Hindi naman nanlaban ang suspek at ngayon ay nakapiit na siya sa detention cell ng himpilan ng pulisya.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page