Rapist na SK kagawad, arestado
@Balitang Probinsiya | July 21, 2023
ILOILO — Isang Sangguniang Kabataan (SK) kagawad ang nadakip ng pulisya kamakalawa sa kanyang hideout sa Bgy. Poblacion, Carles sa lalawigang ito.
Kinilala ang suspek na si Jerrald Herradura, 25, SK kagawad, at pansamantalang nakatira sa nabanggit na bayan.
Napag-alaman na dinakip ng mga tauhan ng pulisya ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong kasong rape at acts of lasciviousness sa Batangas.
Nabatid na may nagbigay impormasyon sa pulisya sa pinagtataguan ng suspek kaya agad itong sinalakay ng mga awtoridad at dinakip.



Comments