Rapist na lolo, arestado
@Balitang Probinsiya | August 17, 2022
ZAMBALES—Isang rapist na lolo ang naaresto ng pulisya kamakalawa sa kanyang hideout sa Bgy. Inhobol, Masinloc.
Kinilala ng pulisya ang suspek na si Inocencio Acosta, 64-anyos, pansamantalang nakatira sa naturang bayan.
Nabatid na dinakip ng pulisya ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong 6-counts ng kasong rape sa lalawigan.
Ayon sa ulat, may nag-tip sa kinaroroonan ni Acosta kaya agad rumesponde ang pulisya at inaresto ang suspek.
Nakapiit na si Acosta sa detention cell ng himpilan ng pulisya.



Comments