top of page

Quick tips para sa mga hirap mag-manage ng oras

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jun 6, 2023
  • 2 min read

ni Mabel Vieron - @Special Article | June 06, 2023




ree

Marami sa atin ang ‘di nagpapahalaga sa oras, ngunit lingid sa ating kaalaman maraming benepisyo ang nakukuha rito. ‘Ika nga nila “Time is Gold” na ang ibig sabihin ay ang bawat oras ay mahalaga.

Hindi naman ibig sabihin nito ay dapat laging produktibo, ang dapat lang natin gawin ay i-manage ng mabuti ang ating oras. Narito ang ilang hakbang kung paano ito maisasagawa.


1. PLANNER. Ang pagkakaroon ng to-do tasks ay epektibong paraan para ma-manage ang oras. Ilista ang mga bagay na dapat gawin, mga nagawa na at ilang mga reminders. Nakatutulong ito para ma-track ang iyong progress sa buong araw.


2. MAG-PRIORITIZE. Alam n’yo ba na ang paglilista ng mga bagay na kailangan ay epektibong paraan para ma-manage ang oras? Ito ay dahil nakakatulong ito para maiwasan ang paggawa ng mga bagay na hindi naman kailangan. Para gawin ito, ilista ang mahahalagang gawain, saka piliin kung ano ang dapat unahin.


3. NO MULTITASKING. Akala natin, okay ang pagmu-multitask, true naman. Pero sa paggawa nito, hindi masisigurado ang kalidad ng ating gawain o project. Para hindi magpaulit-ulit sa gawain, mabuting magpokus sa iisang gawain para makatiyak na maganda ang kalidad ng proyekto.


4. IWASAN ANG DISTRACTIONS. Iwasang maglaan ng oras sa hindi importanteng bagay. Kung tatanggalin ang mga distractions sa routine, makatutulong ito para makatapos agad sa trabaho.


5. I-ORGANIZE ANG WORKPLACE. Ang epektibong time management strategies ay nagpe-pressure sa atin para i-organize ang ating workplace. I-imagine ang sarili na naghahanap ng dokumento sa isang tambak na mga papel. Hindi ba, nakaka-stress ito at sayang sa oras? Kaya para iwas-stress at tipid sa oras, panatilihing organized ang working station, lalo na ang mga files.


6. REWARD SYSTEM. Kung tutuusin, mahirap talagang iwasan ang mga distractions. Pero depende ito kung paano mo sasanayin ang epektibong time management strategies nang mag-isa. ‘Pag nakatapos ng importanteng task, why not reward yourself? Hindi kailangang bongga, besh. Kahit simpleng bagay lang tulad ng isang movie night o bumili ng paborito mong pagkain, solb na.

Bagama’t may mga pagkakataong wala tayong gana magtrabaho o gumawa ng mga gawain, tiyak na malalampasan natin ito. Kailangang mag-comply ka sa iyong routine at sanayin ang time management tips na ito. Okie?

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page