top of page
Search
  • BULGAR

Pusher todas sa drug-bust

@Balitang Probinsiya | August 31, 2022


SULTAN KUDARAT—Isang drug pusher ang napatay nang manlaban at makipagbarilan sa pulisya na nagsagawa ng drug-bust operation kamakalawa sa Bgy. Sagasa, Esperanza.


Ang suspek na nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan ay kinilala ng pulisya na si Tungko Esmael, 56-anyos at residente ng nabanggit na barangay.


Ayon sa ulat, darakpin sana ng pulisya si Esmael sa drug-bust operation pero biglang pinagbabaril ng suspek ang mga operatiba.


Dahil dito, napilitan ang mga awtoridad na pagbabarilin ang suspek na agad nitong ikinamatay.


Nakakumpiska ang pulisya ng baril, mga bala at ilang sachets ng shabu sa pinangyarihan ng insidente.

0 comments

Recent Posts

See All

コメント


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page