Pusher, timbog sa drug-bust sa Boracay
@Balitang Probinsiya | June 23, 2022
AKLAN–Inaresto ng pulisya ang drug pusher sa isinagawang buy-bust operation kamakalawa sa Bgy. Manocmanoc, Boracay Island.
Kinilala ang suspek na si Edric Maghari, 36-anyos, residente sa nabanggit na barangay.
Ayon sa ulat, nagpanggap na buyer ng shabu ang mga operatiba at nang pagbentahan sila ng droga ng drug pusher ay dito na agad dinakip ng mga awtoridad ang suspek.
Napag-alamang nakakumpiska ang mga awtoridad ng dalawang sachets ng shabu at markadong pera pag-iingat ng suspek.



Comments