Pusher, timbog sa drug-bust
@Balitang Probinsiya | January 21, 2022
CAMARINES SUR–Isang drug pusher ang nadakip sa isinagawang drug-bust operation ng pulisya kamakalawa sa Bgy. Cadlan, Pili.
Ang suspek ay nakilalang si Henry Duro, nasa hustong gulang at residente ng naturang bayan.
Nabatid na may nakuhang impormasyon ang pulisya na nagbebenta ng shabu si Duro kaya nagsagawa ng buy-bust operation ang mga awtoridad at dito nadakip ang suspek.
Nakakumpiska ang mga awtoridad ng 50 gramo ng shabu at markadong pera sa pag-iingat ni Duro.
Nakapiit na ang suspek at sinampahan na siya ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.



Comments