top of page
SPECIAL - MISTER NI BEA NA SI VINCENT, ‘DI TINANGGAL SA PUREGOLD_IG _beaalonzo.jpeg

Pusher ng marijuana, patay sa shootout

Writer: BULGAR
BULGAR
Jun 13, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | June 13, 2023



TAWI-TAWI -- Isang drug pusher ng marijuana ang napatay nang manlaban at makipagbarilan sa mga tauhan ng pulisya kamakalawa sa Bgy. Panyungan, Bongao sa lalawigang ito.


Ang suspek na nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan ay nakilala lang sa alyas na "Khan," nasa hustong gulang at walang tiyak na tirahan.


Nabatid na may nakuhang impormasyon ang pulisya na nagbebenta ng marijuana si “Khan” kaya nagsagawa ng buy-bust operation ang mga awtoridad at nang akmang dadakpin ay biglang pinagbabaril ng suspek ang mga operatiba.


Agad na gumanti ng putok ang mga operatiba kaya napatay ang suspek.


Nakarekober ang mga awtoridad ng baril, mga bala at ilang gramo ng marijuana sa pinangyarihan ng insidente.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page