Pusher ng marijuana nasakote
@Balitang Probinsiya | May 25, 2022
ISABELA – Isang drug pusher ng marijuana ang naaresto sa isinagawang drug-bust operation ng mga awtoridad kamakalawa sa Bgy. Sinamar, San Mateo sa lalawigang ito.
Ang suspek ay nakilalang si Arjee Villaluan, residente sa nabanggit na barangay.
Nabatid na na nagsagawa ng drug-bust operation ang mga operatiba sa naturang lugar at dito nadakip ang suspek.
Napag-alaman na nakakumpiska ang mga awtoridad ng limang pakete ng shabu at markadong pera sa pag-iingat ni Villaluan.
Nahaharap ngayon ang suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.



Comments