top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Pusher na killer, arestado

BULGAR
Jun 13, 2022
1 min read

@Balitang Probinsiya | June 13, 2022


QUEZON--Isang drug pusher na wanted na killer ang nadakip ng pulisya kamakalawa sa kanyang hideout sa Bgy. Ayusan 1, Tiaong.


Kinilala ng pulisya ang suspek si Roniel Nunez, 39-anyos at pansamantalang nakatira sa nabanggit na barangay.


Ayon sa ulat, dinakip ng pulisya ang suspek sa buy-bust operation nang pagbentahan nito ng apat na sachets ng shabu ang mga operatiba.


Nang imbestigahan ang pagkatao ng suspek ay napag-alamang wanted din ito sa kasong murder.


Hindi naman nanlaban ang suspek sa mga awtoridad at sa ngayon ay nakapiit na siya sa detention cell ng himpilan ng pulisya.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page