top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Pumatay sa kaalitan, sumuko

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 17, 2021
1 min read

@Balitang Probinsiya | November 17, 2021


AKLAN—Kusang sumuko sa pulisya ang isang lalaking suspek sa pagpatay sa kanyang kaalitan sa bayan ng Libacao.


Kinilala ng pulisya ang sumukong suspek na si Ricky Alegria, nasa hustong gulang at nakatira sa nasabing bayan.


Ayon sa ulat, nagkaroon ng pagtatalo si Alegria at ang biktimang si Edmund Arias kaya napatay ito ng suspek sa pamamagitan ng pagsakal.


Matapos mapatay ay isinilid ni Alegria ang bangkay ni Arias sa sako at inihulog sa bangin.


Nabatid na nakonsensiya umano si Alegria sa nagawang krimen kaya sumuko ito at itinuro ang lugar kung saan niya itinapon ang bangkay ng biktima.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page