top of page
Search
  • BULGAR

Pumatay ng pulis sa Cebu, dedo na rin

ni Eli San Miguel - Trainee @News | December 13, 2023




Patay sa police shootout ang hinihinalang drug pusher na pumatay ng isang pulis sa bigong buy-bust operation sa Talisay City, Cebu ngayong Miyerkules.


Tumanggi umanong sumuko si Jenecy Rafols, 25-anyos, nang subukan siyang arestuhin ng pulisya bandang alas-6 ng umaga.


Suspek si Rafols sa pagpatay kay Police Corporal Ryan Languido.


Nangyari ang police shootout sa isang liblib na lugar sa Brgy. Tapul.


Ayon sa pulisya, binaril ni Rafols ang mga arresting officer gamit ang isang .45 caliber na baril. Agad naman siyang binalikan ng mga otoridad ng putok na tumama kay Rafols habang siya'y tumatakas.


Umakto si Languido bilang poseur-buyer nang makipagtransaksiyon kay Rafols at sa kanyang umano'y kasabwat na si Ramil Salazar sa isang anti-illegal drug operation sa Brgy. Kinasang-an sa Cebu, noong Nobyembre 15.

0 comments

Recent Posts

See All

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page