Pumalag na tulak, tepok sa shootout
@Balitang Probinsiya | January 24, 2022
ALBAY--Isang drug pusher ang napatay nang manlaban at makipagbarilan sa pulisya kamakalawa sa Bgy. Tambo, Libon.
Ang suspek na nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan ay nakilalang si Rolly Saysay, nasa hustong gulang at residente ng naturang bayan.
Nabatid na may nakuhang impormasyon ang pulisya na nagbebenta ng shabu si Saysay kaya nagsagawa ng buy-bust operation ang mga awtoridad at nang akmang darakpin ay biglang pinagbabaril ng suspek ang mga operatiba.
Dahil dito, kaagad gumanti ng putok ang mga operatiba kaya napatay ang suspek.
Nakarekober ang mga awtoridad ng baril, mga bala at mga sachets ng shabu sa pinangyarihan ng insidente.



Comments