top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Pumalag na pusher, utas sa drug-bust

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 29, 2021
1 min read

@Balitang Probinsiya | January 29, 2021



QUEZON—Isang drug pusher ang napatay nang manlaban at makipagbarilan sa pulisya na nagsagawa ng drug-bust operation kamakalawa sa Bgy. Isabang, Lucena City.


Ang suspek ay nakilalang si Carlos Cabarle, nakatira sa nabanggit na barangay.


Nabatid na darakpin sana ng mga operatiba si Cabarle sa drug-bust, pero biglang pinagbabaril ng suspek ang mga awtoridad.


Kaagad gumanti ng putok ang pulisya kaya napatay ang suspek na nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan.


Napag-alamang nakarekober ang pulisya ng baril, mga bala at sachet ng shabu sa pinangyarihan ng insidente.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page