top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Pumalag na pusher, todas sa shootout

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 17, 2021
1 min read

@Balitang Probinsiya | November 17, 2021


CAMARINES SUR—Patay ang isang drug pusher nang manlaban at makipagbarilan sa pulisya kamakalawa sa Bgy. Sta. Elena Baras, Nabua.


Ang suspek na nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan ay nakilalang si Bienvenido Densing, nasa hustong gulang at residente ng naturang bayan.


Nabatid na may nakuhang impormasyon ang pulisya na nagbebenta ng shabu si Densing kaya nagsagawa ng buy-bust operation ang awtoridad at nang akmang darakpin ay biglang pinagbabaril ng suspek ang mga operatiba.


Dahil dito, agad gumanti ng putok ang mga operatiba kaya napatay ang suspek.


Nakarekober ang mga awtoridad ng baril, mga bala at sachets ng shabu sa pinangyarihan ng insidente.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page