top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Pumalag na karnaper, dedo sa shootout

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 12, 2022
1 min read

@Balitang Probinsiya | January 12, 2022


NUEVA ECIJA–Isang karnaper ang napatay nang manlaban at makipagbarilan sa pulisya kamakalawa sa Bgy. Camanacsacan, San Jose City.


Ang suspek na nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan ay kinilala ng pulisya na si Bunny Joson, nasa hustong gulang at nakatira sa nasabing lungsod.


Nabatid na napadaan si Joson sa police checkpoint gamit ang kinarnap niyang tricycle, pero imbes ma huminto ay pinagbabaril ng suspek ang mga awtoridad.


Dahil dito ay agad gumanti ng putok ang pulisya kaya napatay ang suspek.


Nakarekober ang pulisya ng baril, mga bala at ang kinarnap na tricycle sa pinangyarihan ng insidente.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page