Pulis, 3 pa tiklo sa sabong
- BULGAR
- Jun 23, 2020
- 1 min read
ni V. Reyes | June 23, 2020

Kalaboso ang isang miyembro ng Philippine National Police (PNP) makaraang mahuling nagsasabong kasama ang tatlong iba pa sa Sitio Sudlon, Bgy. Lahug, Cebu City, kamakalawa ng hapon.
Ayon kay Police Brigadier General Ronald Lee, kinilala ang naarestong pulis na si Staff Sergeant Charlito Sanchez Tinoy, sinasabing naaaresto na rin noon dahil sa illegal gambling.
Huli sa akto ang apat na nagtu-tupada at umano’y lumalabag sa health protocols laban sa pandemya dahil walang suot na face mask at walang physical distancing habang nagsusugal.
Nasamsam sa lugar ang ilang cockfighting paraphernalia at manok panabong.
Diin ni Lee, pinahigpit pa ang kanilang pagbabantay sa mga pulis na nasasangkot sa mga ilegal na aktibidad.
Muling hinimok ni Lee ang publiko na isumbong sa PNP-IMEG sakaling may mga pulis na sangkot sa ilegal na sabong o tupada sa mga hotline nito na SMART- 09989702286 o GLOBE- 09957952569.








Comments