Propesor, dedbol sa aksidente

@Balitang Probinsiya | November 26, 2020
LA UNION—Isang propesor ang namatay nang aksidenteng bumangga sa trak ang minamaneho nitong van kamakalawa sa Bgy. San Benito Norte, Aringay.
Nakilala ang biktima na si Roberto Liwag, propesor ng Don Mariano Marcos Memorial State University sa nasabing lalawigan.
Ayon sa ulat, habang minamaneho ni Liwag ang kanyang van ay hindi nito napuna ang umaatras na trak na minamaneho ni Michael Colcol kaya bumangga dito ang sasakyan ng biktima.
Dinala pa ng mga saksi si Liwag sa ospital, pero idineklara itong dead-on-arrival.
Sinampahan na ng pulisya ng kasong reckless imprudence resulting to homicide and damage to property si Colcol.



Comments