Principal timbog sa estafa
@Balitang Probinsiya | October 17, 2022
NUEVA VIZCAYA—Isang principal na estapador ang dinakip ng pulisya kamakalawa sa Aritao.
Ang suspek ay kinilala ng pulisya na si Greg Badua, principal ng isang eskuwelahan sa nasabing lalawigan.
Nabatid na dinakip ng pulisya ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong kasong estafa sa lalawigan.
Hindi naman nanlaban ang suspek nang dakpin siya ng mga awtoridad.
Nakapiit na ngayon ang suspek sa detention cell ng himpilan ng pulisya.



Comments