PNP may person of interest sa chairman killing
@Balitang Probinsiya | August 11, 2022
AKLAN—May person of interest na ang pulisya sa pamamaslang sa dating barangay chairman ng Bgy. Bagacay, Ibajay.
Hindi muna pinangalanan ng pulisya ang person of interest hangga't hindi natitiyak na sangkot ito sa pamamaril at pagpatay noong Agosto 8, 2022 kay ex-Chairman Melvin Cabales, nakatira sa naturang barangay.
Ayon sa ulat, minamaneho ni Cabales ang kanyang motorsiklo at nakaangkas ang kanyang misis at dalawang anak nang sumulpot ang dalawang salarin na lulan din ng motorsiklo at agad pinagbabaril ang biktima.
Sa pagsisiyasat ng pulisya ay nakita ng mga ito sa CCTV ang isang lalaki na posibleng may kinalaman sa krimen.
Patuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya sa naganap na pamamaslang sa biktima.



Comments