Plantasyon ng marijuana, sinira at sinunog
- BULGAR
- May 17, 2023
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | May 17, 2023
KALINGA—Isang plantasyon ng marijuana ang sinalakay, sinira at sinunog ng mga awtoridad, kamakalawa sa bayan ng Tinglayan sa lalawigang ito.
Ang sinalakay na plantasyon ng marijuana ay nasa bulubunduking lugar ng Bgy. Buscalan sa nabanggit na bayan.
Ayon sa ulat, may nagbigay impormasyon sa mga awtoridad na may plantasyon ng marijuana sa nasabing lugar kaya agad itong sinalakay, sinira at sinunog ng mga operatiba.
Nabatid na nakatakas ang mga caretaker ng pananim na marijuana.
Sa ngayon ay patuloy pa ang imbestigasyon ng mga awtoridad para madakip ang mga responsable sa pagtatanim ng marijuana sa naturang lugar.



Comments