Plantasyon ng marijuana, ni-raid
@Balitang Probinsiya | July 1, 2022
KALINGA—Isang plantasyon ng marijuana ang sinalakay ng mga awtoridad kamakalawa sa bayan ng Tinglayan.
Ang sinalakay na plantasyon ng marijuana ay nasa bulubunduking lugar ng naturang bayan.
Ayon sa ulat, may nag-tip sa mga awtoridad na may plantasyon ng marijuana sa nasabing lugar kaya agad itong sinalakay ng mga operatiba at dito natagpuan ang mga pananim na illegal drugs na nagkakahalaga ng mahigit P62 milyon.
Nabatid na nakatakas ang mga namamahala ng plantasyon ng marijuana at kasalukuyan na silang pinaghahanap ng mga awtoridad.
Sinunog na ng mga awtoridad ang mga pananim na marijuana sa nasabing lugar.



Comments