top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Plantasyon ng marijuana, ni-raid

BULGAR
Jun 24, 2022
1 min read

@Balitang Probinsiya | June 24, 2022


LANAO DEL DUR—Isang plantasyon ng marijuana ang sinalakay ng mga awtoridad kamakalawa sa bayan ng Maguing.


Ang sinalakay na plantasyon ng marijuana ay nasa bulubunduking lugar ng Bgy. Bato-Bato sa naturang bayan.


Ayon sa ulat, may nag-tip sa mga awtoridad na may plantasyon ng marijuana sa nasabing lugar kaya agad itong sinalakay ng mga operatiba at dito natagpuan ang mga panananim na illegal drugs na nagkakahalaga ng mahigit P5 milyon.


Nabatid ni alyas Lomala na namamahala umano ng plantasyon ng marijuana ang dinakip ng mga awtoridad.


Sinunog na ng mga awtoridad ang mga pananim na marijuana sa nasabing lugar.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page