top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Plantasyon ng 'damo' sinalakay

Writer: BULGAR
BULGAR
Sep 9, 2022
1 min read

@Balitang Probinsiya | September 9, 2022


KALINGA—Isang plantasyon ng marijuana na kilala din sa tawag na "damo" ang sinalakay ng mga awtoridad kamakalawa sa Tabuk City.


Ang sinalakay na plantasyon ng marijuana ay nasa bulubunduking lugar ng Bgy. Nambaran sa nasabing lungsod.


Ayon sa ulat, may nag-tip sa mga awtoridad na may plantasyon ng marijuana sa nasabing lugar kaya agad itong sinalakay ng mga operatiba at dito natagpuan ang mga panananim na illegal drugs na nagkakahalaga ng mahigit P2 milyon.


Nabatid na kaagad sinira at sinunog na ng mga awtoridad ang mga pananim na marijuana sa nabanggit na barangay.


Sa ngayon ay patuloy pa ang imbestigasyon ng mga awtoridad para madakip ang mga responsable sa pagtatanim ng marijuana sa naturang lugar.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page