top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Planong pagpapakasal, itutuloy para maging forever hapi

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Nov 11, 2020
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Kapalaran ayon sa Palad| November 11, 2020




KATANUNGAN

  1. May boyfriend ako ngayon at nais kong patingnan sa inyo ang guhit ng aking mga palad kung siya na ang makakatuluyan ko? November 7, 1991 ang birthday ko at June 29, 1986 naman ang boyfriend ko.

  2. Darating na siya galing sa abroad at nagyayaya na siyang magpakasal pagdating niya, kaya gusto ko ring malaman kung favorable ba sa aming dalawa ang magpakasal sa 2021 o 2022?

  3. Kung kami na ang magkakatuluyan, magiging maunlad, maligaya at panghabambuhay na ba ang aming papasuking pagpapamilya?

KASAGUTAN

  1. Iisa lang naman ang malinaw, makapal at kitang-kitang Marriage Line (Drawing A. at B. 1-M arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad. Ibig sabihin, sobrang laki ng tsansa na kayo na ng kasalukuyan mong boyfriend ang magkakatuluyan, higit lalo kung siya ang una mong naging boyfriend kung saan ang pag-aanalisang ang una mong boyfriend ang iyong makakatuluyan ay madali namang kinumpirma ng maganda at okey na Heart Line (Drawing A. at B. h-h) kung saan ito ay walang bilog at hindi rin nalatid (arrow b.) sa kaliwa at kanan mong palad.

  2. Ibig sabihin, hindi lang malaki ang tsansa na kayo na ang magkakatuluyan ng kasalukuyang boyfriend mo. Sa halip, malaki rin ang posibilidad na sa sandaling kayo ay nagkatuluyan, may pangako ng maligaya at panghabambuhay na pagpapamilya.

DAPAT GAWIN

Imel, tamang-tama ang plano n’yong magpakasal na ng boyfriend mo sa 2021 o 2022 kung saan bukod sa guhit ng palad, ang birth date mong 7 at 2 naman ang boyfriend mo (ang 29 ay 2+9=11/ 1+1=2) ay nagsasabing, bukod sa compatible kayo sa Numerology ay tugma rin kayo sa Astrology. Ito ay dahil ang Scorpio na zodiac sign mo at Cancer naman ng boyfriend mo ay compatible rin sa isa’t isa dahil kapwa sila pinaghaharian ng elementong tubig. Kaya naman sa sandaling nakasal na kayo, ang inyong itatayong pamilya ay habambuhay na uunlad at magiging maligaya.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page