top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

‘Pinas, matatag pa rin sa gitna ng pandemic

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 7, 2020
  • 1 min read

@Editorial | August 7, 2020



Bumagsak sa pinakamababa ang paglago ng ekonomiya ng Pilipinas para sa second quarter ng taong 2020.

Inaasahan na ito dahil sa pagpapatupad ng quarantine measures sa buong bansa laban sa COVID-19 kung saan halos 75 porsiyento ng negosyo ang apektado.

Gayunman, tiniyak ng gobyerno na may sapat na stamina at resources ang bansa para magtagal sa paglaban ng COVID-19 pandemic. Malaking bagay umano ang magandang performance ng ekonomiya ng bansa bago ang pandemic partikular ang maayos na pangangasiwa sa pinansya ng gobyerno.

Tiniyak din na nakalatag na ang iba pang measures na nakapaloob sa recovery plan tulad ng panukalang Bayanihan Act 2 na inaasahang maipapasa na sa Kongreso sa susunod na linggo.


Siyempre, hindi rin naman tayo papaya na hindi makabawi. ‘Ika nga, magkakaroon ng malakas na “economic rebound” ang bansa pagsapit ng 2021 lalo na kung may bakuna na laban sa COVID-19.

Sa ngayon, kailangan muna nating magtiis at magtiwala na bubuti rin ang sitwasyon.

Ang pakiusap lang din natin lalo na sa mga kinauukulan ay pag-aralan ding mabuti ang bawat hakbang sa gitna ng pandemic at busisiin ang bawat gastos, bantayan at huwag hayaang masayang ang pondo.

Kung sinasabi ng mga opisyal na may sapat pa tayong pera sa labang ito, gamitin natin nang maayos at utang na loob, huwag hayaang manaig ang korupsiyon.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page