Survey ng Bloomberg sa COVID-19 resilience ranking kung saan kulelat ang Pinas, inalmahan ng palasyo
- BULGAR

- Oct 28, 2021
- 1 min read
ni Jasmin Joy Evangelista | October 28, 2021

Tulad noong Setyembre, kulelat pa rin sa COVID-19 resilience ranking ang Pilipinas ngayong Oktubre, ayon sa survey ng Bloomberg.
Panghuli ang Pilipinas sa 53 bansa at teritoryong kasama sa pag-aaral kung saan nakapagtala ng lowest overall resilience score na 40.5.
Ayon sa ulat ng Bloomberg, nahuhuli ang Pilipinas pagdating sa pagbabakuna kung saan halos 26% pa lamang ng populasyon ang fully vaccinated.
Bagama’t nakapagbukas na ang ilang negosyo tulad ng mga gym, spa, sinehan at restaurant, malayo pa rin ito kumpara sa ibang mga bansa sa Southeast Asia na nagpapapasok na ng mga banyagang turista.
Samantala, tinawag na “unfair at biased” ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang naturang ulat ng Bloomberg.
“We feel the Bloomberg resilience data is practically unfair to our country. Number 1, it doesn’t cover all countries… It’s unfair to characterize our country as lowest because we’re not lowest in the world,” sabi ni DILG Undersecretary Jonathan Malaya.
“The countries they chose were mostly Western countries, which puts us at a disadvantage… We just started our universal healthcare. ‘Di talaga tayo tataas diyan, we’re a developing country… and the quality of life is also considered. In my opinion, it’s really a biased survey towards Western countries,” dagdag niya.
Inalmahan din ito ng Palasyo dahil sinabi ni presidential spokesperson Harry Roque na hindi buong mundo o 194 bansa ang isinama at tanging 53 lamang ang kanilang naisama sa survey.








Comments