top of page

Pedicab driver, patay sa kotse

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jun 20, 2024
  • 2 min read

News @Balitang Probinsiya | June 20, 2024



Camarines Sur — Isang pedicab driver ang namatay nang mabangga ng isang kotse kamakalawa sa Brgy. Sto. Tomas, Magarao sa lalawigang ito.


Ang biktima ay kinilala ng pulisya na si Leonardo Catipon, 59, at residente ng Brgy. San Francisco, Bombon sa nasabing lalawigan.


Ayon sa ulat, nawalan umano ng kontrol sa pagmamaneho ng kotse ang hindi pinangalanang driver nito kaya nabangga ang pedicab na kinalululanan ng biktima.


Nabatid na sa lakas ng impact ay nagtamo ng malaking pinsala sa ulo at katawan ang biktima.


Napag-alaman na sinampahan na ng mga otoridad ang driver ng kotse ng kasong reckless imprudence resulting to homicide and damage to property.




BARANGAY OFFICIAL, BINOGA SA ULO


CEBU CITY -- Isang barangay official ang namatay nang barilin sa ulo ng isang hindi nakilalang armadong salarin kamakalawa sa Brgy. Duljo Fatima sa lungsod na ito.


Ang biktima ay nakilalang si Edward Abayan, nasa hustong gulang, administrative officer ng Brgy. Mambaling sa nabanggit na lungsod.


Ayon sa ulat, nasa loob ng isang karinderya sa nasabing barangay si Abayan nang sumulpot ang suspek at biglang binaril sa ulo ang biktima.


Agad dinala ng mga saksi ang biktima sa ospital, pero idineklara itong dead-on-arrival.

Nagpalabas na ng manhunt operation ang pulisya para madakip ang suspek.




LOLA, 2 PA HULI SA DRUG DEN


ZAMBOANGA CITY -- Isang 60-anyos na lola, isang babae at isang lalaki ang nadakip sa drug-bust operation ng mga otoridad kamakalawa sa isang drug den sa Sitio Tumaga-Putik, Brgy. Tumaga sa lungsod na ito.


Hindi na muna pinangalanan ang lola at dalawa pang suspek na kapwa nasa hustong gulang habang iniimbestigahan sila ng mga otoridad. 


Ayon sa ulat, may tinanggap na impormasyon ang pulisya na ginagawang drug den ang isang bahay sa naturang barangay kaya agad itong sinalakay at dito nadakip ang mga pusher.


Nabatid na nakakumpiska ang mga otoridad ng ilang gramo ng hinihinalang shabu at markadong pera sa pag-iingat ng mga suspek.


Nakapiit na ang mga suspek na pawang nahaharap sa kasong paglabag sa Dangerous Drugs Act of 2002.



‘HOT LOGS’, NAKUMPISKA


CAPIZ – Nasabat ng mga otoridad kamakalawa ang mga “hot logs” o mga punongkahoy na ilegal na pinutol sa kabundukan ng Brgy. Taft, Tapaz sa lalawigang ito.


Ang nasabing ‘hot logs’ ay nakumpiska ng mga otoridad na nakalulan sa isang trak na minamaneho ng isang nagngangalang “Dodoy,” nasa hustong gulang at tubong Iloilo. 


Ayon sa ulat, may tinanggap na impormasyon ang pulisya na may lulan na mga ‘hot logs’ ang trak kaya pinara ang naturang sasakyan at dito nakita ang mga putol na punongkahoy na mahogany.


Nang hanapan ng mga dokumento ay walang naipakita ang driver kaya dinakip ito at kinumpiska ang mga ‘hot logs’ na nagkakahalaga ng P495,000. 


Nabatid na ang driver at ang amo nito ay sasampahan ng pulisya ng kasong paglabag sa Presidential Decree 705 o Revised Forestry Code of the Philippines.

1 Comment


han gu
han gu
Jun 20, 2024

为什么选择可靠的essay代写服务呢?首先,可靠的essay代写服务能够保证学术的可信度。留学生们通过使用可靠的代写服务,可以获得高质量、原创性的作品,从而提高他们的学术成绩和声誉。其次,可靠的essay代写 https://www.essayghostwriting.com/ 服务能够帮助留学生节省宝贵的时间和精力。留学生在繁忙的学业和生活中可能无法同时完成所有的写作任务,因此,借助专业的代写服务能够减轻他们的压力和负担。最后,可靠的essay代写服务能够增强留学生的写作能力。通过与专业的写作专家合作,留学生可以学习到更多的写作技巧和方法,提高自己的写作水平。

Like

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page