PCSO Board Sec. Wesley Barayuga, patay nang pagbabarilin
- BULGAR

- Jul 30, 2020
- 1 min read
ni Lolet Abania | July 30, 2020

Nasawi si PCSO Board Sec. Wesley Barayuga matapos na pagbabarilin ito ng hindi pa nakikilalang salarin na nakasakay sa motor sa Mandaluyong City.
Ayon kay Mandaluyong Police chief PCol. Hector Grajaldo, naganap ang pamamaril sa biktima sa kanto ng Calbayog at Malinaw Sts. Mandaluyong dakong alas-4:30 ngayong hapon.
Sakay si Barayuga ng gov't vehicle at driver nito, kung saan pagdating sa kanto ng Calbayog ay tinapatan ng nakasakay sa motor na lalaki ang sasakyan nila saka pinagbabaril gamit ang .45 caliber.
Dalawang tama ng bala sa ulo ang agad ikinamatay ni Barayuga pati na rin sa katawan.
Buhay naman ang driver ng biktima na dinala sa BRP Hospital (dating Polymedic Hospital) na marami ring tama ng bala sa katawan.
Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya tungkol sa motibo ng hindi nakilalang salarin at sa naganap na pamamaril.








Comments