top of page
Search
  • BULGAR

Paupahang bahay, tinupok ng apoy

@Balitang Probinsiya | January 18, 2022


CAMARINES SUR–Isang paupahang bahay ang tinupok ng apoy kamakalawa sa Bgy. Lerma, Naga City.


Ang bahay na nasunog ay inuupahan ng pamilya Revillo sa naturang barangay.


Ayon sa ulat, biglang sumiklab ang sunog sa bahay at sa pagresponde ng mga bumbero ay mabilis din na naapula ang apoy


Sa imbestigasyon ng mga awtoridad ay nabatid na faulty wiring ang naging sanhi ng sunog.

Wala namang iniulat na nadisgrasya sa naganap na insidente.


0 comments

Recent Posts

See All

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page