top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Paslit, patay sa bangga ng kotse

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 3, 2021
1 min read

Updated: Jan 9, 2021

@Balitang Probinsiya | January 3, 2021



QUEZON—Isang 7-taong gulang na batang lalaki ang namatay nang aksidenteng mabangga ng kotse kamakalawa sa Bgy. Mason Norte, Candelaria.


Ang biktima ay nakilalang si John Rey Abu-Abu, residente ng nabanggit na barangay.


Ayon sa ulat, mabilis umano ang takbo ng kotse na minamaneho ni Kenneth Cala kaya nabangga ang biktima na tumatawid sa kalsada.


Nabatid na namatay sa mismong pinangyarihan ng aksidente ang biktima dahil sa tinamong malaking pinsala sa ulo.


Nakapiit na si Cala na nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting to homicide.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page