top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Paslit nalunod sa swimming pool

BULGAR
Sep 2, 2022
1 min read

@Balitang Probinsiya | September 2, 2022


DAVAO CITY—Isang 5-taong gulang na lalaki ang namatay nang malunod sa swimming pool sa isang resort sa Bgy. Aliongto.


Ang biktima ay nakilalang si Clark Kent Canda, residente ng Bgy. Communal sa nabanggit na lungsod.


Ayon sa ulat, nag-outing ang pamilya Canda sa isang resort sa nasabing barangay at nalingat ang mga magulang ni Clark kaya hindi napansin na nahulog sa swimming pool ang biktima.


Nabatid na isang kamag-anak ni Clark ang nakakita sa biktima na walang malay na nakalutang sa swimming pool ang bata.


Kaagad ddinala ng kanyang mga kamag-anak si Clark sa ospital, pero idineklara itong dead-on-arrival.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page