top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

Paslit, nalunod sa ilog

Writer: BULGAR
BULGAR
Sep 19, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | September 19, 2023


NEGROS OCCIDENTAL -- Isang 3-taong gulang na batang babae ang namatay nang malunod kamakalawa sa ilog na sakop ng Bgy. Cabacungan, La Castellana sa lalawigang ito.


Dahil menor-edad-edad ay hindi na pinangalanan ng pulisya ang biktima.


Ayon sa ulat, lumabas umano ang ina ng bata sa kanilang bahay, pero lingid sa kaalaman ng nanay ay sumunod ang biktima at nadulas ito kaya nahulog sa ilog.


Napag-alaman na agad sumaklolo ang mga residente, pero hindi agad natagpuan ang biktima na lumubog sa tubig.


Nabatid na lumipas pa ang ilang oras bago natagpuan ang bata nang lumutang ang bangkay nito sa ilog.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page