Paslit nalunod sa dagat
- BULGAR

- Feb 15, 2021
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | February 15, 2021
CAPIZ—Isang 5-taong gulang na batang lalaki ang namatay nang malunod sa dagat na sakop ng Libas Fishing Port sa Roxas City.
Ang biktima ay nakilalang si Mark Casabuena, residente ng nabanggit na lungsod.
Ayon sa ulat, umakyat umano si Casabuena sa bangka na nakadaong sa Libis Fisihing Port, pero nadulas ito at nahulog sa dagat.
Nabatid na bago pa nakasaklolo ang mga residente ay tinangay na ng alon ang biktima patungo sa malalim na bahagi ng dagat.
Kaagad sumaklolo ang mga residente, pero bangkay na nang maiahon sa dagat ang biktima.



Comments