Pasahero, nahulog sa jeep, dedbol
- BULGAR
- Aug 7, 2023
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | August 7, 2023
ILOILO -- Isang pasahero ang namatay nang mahulog sa kinalululanan niyang pampasaherong jeep kamakalawa sa Bgy. Jovellar, Igbaras sa lalawiang ito.
Kinilala ng pulisya ang biktima na si Alwyn Eterno, 20, residente ng Oton sa nasabing lalawigan.
Ayon sa ulat, mabilis ang takbo ng jeep na minamaneho ni Michael Gepilga kaya pagsapit sa kurbadang kalsada ay aksidenteng nahulog ang biktima at nabagok ang ulo sa sementadong kalsada.
Agad dinala ng driver ng jeep ang biktima sa ospital, pero idineklara itong dead-on-arrival.
Nakapiit na si Gepilga na nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting to homicide.


Comments