Pasahero, nadaganan ng jeep, tigok
@Balitang Probinsiya | April 28 2022
QUEZON – Isang pasahero ang namatay nang aksidenteng madaganan ng tumagilid na pampasaherong jeep kamakalawa sa Bgy. Maligaya, Buenavista sa lalawigang ito.
Kinilala ng pulisya ang biktima na si Gina Gonzales, 49-anyos, nakatira sa nasabing bayan.
Ayon sa ulat, pumara si Gonzales upang bumaba sa jeep sa matarik na lugar at habang pababa ay biglang tumagilid ang jeep at nadaganan ang biktima.
Dinala ng mga saksi ang biktima sa ospital, pero idineklara itong dead-on-arrival.
Nabatid na sasampaharan ng pulisya ng kasong reckless imprudence resulting to homicide ang hindi pinangalanang driver ng jeep.



Comments