Pari kritikal sa aksidente
@Balitang Probinsiya | October 7, 2022
AKLAN—Isang pari ang nasa kritikal na kalagayan nang aksidenteng bumangga sa puno ang minamaneho niyang kotse kamakalawa sa Bgy. Naisud, Ibajay.
Kinilala ng pulisya ang biktima na si Fr. Alejandro Pelayo, 53-anyos, pari ng Tangalan Catholic Church sa nasabing lalawigan.
Ayon sa ulat, nawalan umano ng kontrol sa pagmamaneho si Pelayo kaya bumangga ang minamaneho nitong kotse sa puno.
Nabatid na dahil sa lakas ng pagkakabangga sa puno ay nagkaroon ng malaking pinsala sa ulo at katawan ang biktima.
Dinala ng mga saksi ang biktima sa ospital at ngayon ay inoobserbahan pa ito sa pagamutan.



Comments