top of page

Parehas labs ang 2 BF pero walang makakatuluyan

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Oct 7, 2020
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Kapalaran ayon sa Palad| October 7, 2020


ree


KATANUNGAN

1. Ako ay nagtatrabaho bilang kasambahay dito sa Bulacan, pero may naiwan akong boyfriend sa probinsiya namin sa Bicol. Regular kaming nag-uusap sa cell phone at minsan ay nagcha-chat din kami. Alam kong mahal na mahal niya ako at ganundin ako sa kanya.

2. Pero simula nang ligawan ako ng driver ng amo namin, unti-unti nang nahuhulog ang loob ko sa kanya. Nagtataka rin ako sa aking sarili kung bakit isang araw ay nabigla rin ako nang sinagot siya at naibigay ko rin sa kanya ang aking pagkababae.

3. Mag-on na kami at dahil madalas kaming magkita at magkasama sa bahay ng mga amo namin, madalas ding may nangyayari sa amin. Sino sa kanilang dalawa ang mapapangasawa ko? Sa ngayon, pareho ko na silang mahal at tuloy pa rin ang komunikasyon namin ng boyfriend ko sa probinsiya.

KASAGUTAN

1. Wala kang makakatuluyan sa dalawa mong boyfriend. Ito ang nais sabihin ng medyo nagulo, nabiyak at nagkabuhul-buhol na Heart Line (Drawing A. at B. h-h arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad. Tanda na bago ka makapag-asawa at magkaroon ng permanente at panghabambuhay na relasyon, matitinding kabiguan at pagtatalusira sa pag-ibig muna ang iyong mararanasan.

2. Ang pag-aanalisang ang kaguluhang pinasok mo ngayon ay magdudulot din sa iyo ng malaking problema sa kinabukasan ay madali namang kinumpirma ng pumangit ding unang Marriage Line (Drawing A. at B. 1-M arrow b.) sa kaliwa at kanan mong palad. Tanda na sa kasalukuyan, mahihirapan kang magdesisyon upang tulad ng nangyayari ngayon, magpatuloy pa ang ganyang relasyon, ang pagkakaroon mo ng dalawang magkasabay na boyfriend sa iisang panahon.

3. Hanggang sa bandang huli, magugulantang ka na lang sa mangyayari. Kapag nabuntis ka na ng boyfriend mong kasamahan mo, pero ang masaklap ay bigla ka rin niyang iiwanan. Sa sandaling ‘yun, pansamantalang unti-unting guguho ang iyong mga pangarap. Wala kang magagawa kundi sabihin at ipagtapat sa iyong boyfriend na nasa probinsiya ang tunay na nangyari, ngunit kapag nangyari na ang pagtatapat, sa mas mapait na kabiguan din mauuwi ang lahat. Tuluyan na ring makikipag-break sa iyo ang boyfriend mo sa probinsya, upang sa panahong tinuran ay dobleng sakit at pagluha pa ang iyong maranasan.

DAPAT GAWIN

Buti na lang, Maricel, may sumulpot na ikalawang mas maganda at mas malinaw na Marriage Line (Drawing A. at B. 2-M arrow c.) sa kaliwa at kanan mong palad. Tanda na matapos ang mga kaibiguang inilarawan na sa itaas at matitinding problemang dulot ng ginagawa mong pamamangka sa dalawang ilog o pagkakaroon ng dalawang sabay na boyfriend sa iisang panahon, sa dakong huli ay magiging maayos din ang lahat. Sa 2022, sa edad mong 34 pataas, matapos kang maging single mom, may isang lalaki pa ring magmamahal sa iyo nang lubusan. Siya ay isinilang sa zodiac sign na Taurus kung saan ang lalaking ito ang siyang hahango sa iyo sa kalungkutan, mamahalin ka niya nang tunay at kahit dalagang ina ka, iaahon ka niya sa iyong nakaraan upang bumuo kayo ng isang simple, pero maligaya at panghabambuhay na pamilya.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page