top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Parak, tinodas sa bilyaran

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 9, 2020
1 min read

@Balitang Probinsiya | December 9, 2020



ZAMBOANGA SIBUGAY—Isang pulis ang namatay nang barilin ng hindi kilalang armadong lalaki kamakalawa sa loob ng bilyaran sa bayan ng Ipil.


Ang biktimang nagtamo ng tama ng bala sa ulo ay nakilalang si Pat. Arthur Decena, nakatalaga sa Ipil Police Station at nakatira sa Bgy. Bangkerohan sa nasabing bayan.


Ayon sa ulat, habang naglalaro ng bilyar si Decena ay biglang sumulpot ang suspek at binaril sa ulo ang biktima.


Nang matiyak na patay na ang biktima, mabilis na tumakas ang mga suspek.


Nagpalabas na ng manhunt operation ang mga awtoridad para madakip ang salarin.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page