Parak, tiklo sa shabu
- BULGAR

- Sep 1, 2020
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | September 1, 2020
CAGAYAN—Isang pulis ang inaresto nang makumpiskahan ng shabu sa isinagawang buy-bust operation kamakalawa sa Bgy. Linao East, Tuguegarao City.
Kinilala ang suspek na si M/Sgt. David Quetering, nakatalaga sa nasabing lalawigan.
Ayon sa ulat, may nag-tip na nagbebenta ng shabu si Quetering kaya nagsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba dahilan kaya ito nadakip.
Napag-alamang nakakumpiska ang pulisya ng apat na sachet ng shabu at markadong pera sa pag-iingat ng suspek.
Nakapiit na ang suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.



Comments