Parak tepok sa nililinis na baril
@Balitang Probinsiya | October 1, 2022
ISABELA—Isang pulis ang namatay nang aksidenteng pumutok ang nililinis niyang baril kamakalawa sa motorpool ng police headquarters sa Bgy. Calaba, Bangued.
Kinilala ang biktima na si P/Cpl. John Paul Ayon-Ayon, nakatalaga sa Abra Police Provincial Office.
Ayon sa imbestigasyon, habang nililinis ni Ayon-Ayon ang kanyang caliber 9mm pistola sa motorpool ng police headquarters ay aksidente itong pumutok at tinamaan sa katawan ang biktima.
Dinala ng kanyang mga kasamahang pulis si Ayon-Ayon sa pagamutan, pero namatay ito habang ginagamot sa ospital.
Gayunman ay patuloy pa rin ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa naganap na insidente.



Comments