Parak, sugatan sa trak

@Balitang Probinsiya | February 3, 2021
ILOILO—Sugatan ang isang pulis nang aksidenteng mabangga ng trak ang minamaneho nitong kotse kamakalawa sa Bgy. Anilao, Pavia.
Kinilala ng pulisya ang biktima na si P/Sgt. Jonathan Mansueto, nakatalaga sa Traffic Division ng Iloilo City Police Station.
Ayon sa ulat, mabilis umano ang takbo ng trak na minamaneho ni John Alfred Boli-Boli kaya aksidente nitong nabangga ang kotse ng biktima.
Nabatid na sa lakas ng pagkakabangga ay nagtamo ng mga sugat sa ulo at katawan ang biktima.
Ginagamot na sa ospital si Mansueto, samantalang sinampahan na ng kasong reckless imprudence resulting to physical injury and damage to property si Boli-Boli.



Comments