top of page
Search
  • BULGAR

Parak sugatan, amok patay sa police station

@Balitang Probinsiya | September 19, 2022


SORSOGON—Isang pulis ang sugatan at napatay naman ang isang lalaking nag-amok sa police station kamakalawa sa bayan ng Catilla.


Ang sugatang biktimang pulis ay si P/Sgt. Jesus Lisay, nakatalaga sa Castilla Police Station, samantalang ang napatay na suspek ay si Allan Pelecia, 21-anyos, residente ng Sorsogon City.

Ayon sa ulat, nagtungo si Pelecia sa police station at humingi ng tulong na kontakin ang kanyang pamilya sa Sorsogon City dahil gusto na niyang umuwi dahil hindi na niya umano matandaan paano umuwi sa kanilang bahay.


Nabatid na habang tinatanong ng mga pulis si Pelecia tungkol sa kanyang pamilya ay nagpaalam na iihi ang suspek at sa pagbalik nito ay may dala ng itak at agad pinagtataga si Lisay.


Dahil dito, napilitan ang mga awtoridad na pagbabarilin si Pelecia dahilan ng kamatayan nito, samantalang agad isinugod sa ospital si Lisay na nagtamo ng mga tama ng taga sa ulo, katawan at kamay at sa ngayon ay inoobserbahan pa siya sa pagamutan.

0 comments

Recent Posts

See All

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page