Parak, pinagsasaksak ng lasing
@Balitang Probinsiya | June 22, 2022
AKLAN–Sugatan ang pulis nang saksakin ng lasing kamakalawa sa Bgy. Man-up, Altavas.
Kinilala ng pulisya ang biktima na nagtamo ng mga tama ng saksak sa katawan na si P/Ssgt. Edmar Aranas, 37-anyos, nakatalaga sa Aklan Provincial Office,Rex Pera, 38-anyos, kapwa nakatira sa nabanggit na bayan.
Ayon sa ulat, nakikipagkuwentuhan si Aranas sa kanyang mga kamag-anak sa tindahan nang dumating ang lasing na suspek at sa hindi malamang dahilan ay bigla nitong pinagsasaksak ang biktima.
Matapos ang pananaksak ay nagtangkang tumakas ang suspek, pero nadakip siya ng nagrespondeng pulisya.
Dinala naman agad ng mga residente ang biktima sa ospital at kasalukuyan na itong ginagamot, samantalang nakapiit na sa detention cell ng himpilan ng pulisya ang suspek.



Comments