top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Parak, nabiktima ng ‘Salisi Gang’

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 4, 2022
1 min read

@Balitang Probinsiya | February 04, 2022

CAPIZ–Isang pulis ang nabiktima ng “Salisi Gang” nang manakawan ng baril at cash kamakalawa sa Bgy. Cagay, Roxas City.


Hindi na muna pinangalanan ng police investigator ang biktimang pulis na residente sa nabanggit na lungsod.


Ayon sa ulat, habang nagpapakarga ng mga feeds sa kanyang sasakyan ang pulis ay umulan kung kaya’t sumilong ito, at nang tumigil na ang ulan at sa kanyang pagbalik sa kanyang sasakyan ay wala na ang kanyang bag na naglalaman ng .9mm pistola at cash.


Dahil dito, agad tumawag sa police station ang pulis at ipinagbigay-alam na nabiktima siya ng “Salisi Gang”.


Patuloy pa ang imbestigasyon ng mga awtoridad para makilala ang suspek.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page